![](https://static.wixstatic.com/media/0a9631_a25f29a3c27b43df8c4114c4733da68b~mv2.jpg/v1/fill/w_960,h_960,al_c,q_85,enc_auto/0a9631_a25f29a3c27b43df8c4114c4733da68b~mv2.jpg)
MANILA, Philippines (UPDATED 10:58 PM)- Bumagsak ang isang light aircraft na Lion Air West Wind 24 lulan ang mga medisina at iba pang medical supplies para sa isang medical evacuation papuntang Japan kaninang 7:57 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.
Dalawang foreign nationals---isang Canadian at isang Amerikano at anim na Pilipino ang nakasakay umano sa eroplano nang bumagsak ito. Wala sa kanila ang nakaligtas, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Sanhi ng naging pagbagsak, dagdag ng MIAA, ay ang pagsabog at pagkasunog ng eroplano.
“The runway has been temporarily closed, as investigators from the Aircraft Accident Investigation Board of the Civil Aeronautics Authority of the Philippines are now on site to determine the cause of the incident."
Di pa matukoy ang sanhi ng pagsabog at pagkasunog ng nasabing eroplano.
Naapula naman ang sunod bandang 9:02 ng gabi.
댓글