top of page

Robredo: Nagpapasalamat kami sa pahayag ng Pangulo

Writer's picture: Pinoy Daily DigestPinoy Daily Digest


 

Nagpapasalamat kami sa pahayag ng Pangulo na hindi kasalanan ang tumulong sa kapwa Pilipino ngayong panahon ng krisis.”


Ito ang naging pahayag Vice President Leni Robredo matapos pasalamatan ni Duterte ang ginagawang pagtulong ng Office of the Vice President sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.


Sa kanyang “talk to the nation” sinabi ng Pangulo na tama at nararapat lamang ang naging mga hakbang ni Robredo.


Si Leni was calling the private sector, na magtulong, humingi ng tulong. Tama 'yan. Maghingi ka sa kapwa mong tao ng tulong,” said Duterte.


Salungat naman ito sa naunang sinabi ng Philippine Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna, na dapat paimbestigahan ang bise-presidente sa kanyang pakikipagkompetensiya umano sa gobyerno.


Dagdag ni Luna, lumabag daw sa batas ang bise presidente dahil sa mga “illegal solicitations” nito.


Dahil dito, sinibak ng pangulo sa pwesto si Luna at di na maitutuloy ang pag iimbestiga ng NBI sa bise-presidente.

5 views0 comments

Comments


bottom of page